helo der?

July 26, 2009

antagal ko nang hindi napapadaan dito a.

simula nung nasira yung matino kong pc, hindi na ako masyado nakapag internet, pero siguro tadhana din yun, kasi parang nawalan na din naman ako bumisita sa net noon.

so ano balita ngayon?

wala naman masyado. olats pa din naman ako kahit papaano (hahaha!). may mga bagay lang na nabago, pero hindi naman maiiwasan yun di ba? lahat naman nagbabago e.

e bakit naman ako biglang nag post ulit dito pagtapos ng matagal na panahon?

gusto ko e, pake mo ba? ahahaha! wala lang naman, naghahanap lang naman ako ulit ng libangan. na mi miss ko lang kasi magsulat sa mga blogs ko. pati, kelangan ko mag praktis ng typing skills ko (ano daw?). pinagtyatyagaan ko na nga lang tong gamit kong pc ngayon e, kahit sobrang bagal. biro mo yun, 30mins ata bago mag boot to, tapos mga additional 30mins ulit para mabuksan ko tong wordpress ahahaha. kahit ngayong nagtatype ako, may konting lag at delay. syempre kapag olats talaga may ari, olats din yung gamit. wat

may ganun?

oo naman. bakit hindi? ahahaha. sige wala na ako ata masabing matino (kelan ba meron?), alis nalang muna ako dito. pero bago yun, check ko muna yung ibang mga blogs, nakaka miss na din naman mag basa basa ng mga kwento ng ibang tao. sige dyan na muna kayo. ingats mga maderpakers! =)


internet

September 24, 2008

nakakapanibago pero, parang hindi na ako natutuwa mag internet masyado.

ewan ko kung bakit. dati dati e online ako halos 24/7 kahit dial up pa gamit ko. hardcore. ngayon, sa tuwing nasa harap ako ng pc ko, lagi ko tinatanong sarili ko kung ano gagawin ko. dati madalas ako mag online sa y!m kasi madalas ako makipag chat. minsan naman, bubuksan ko google tapos mag t type ng kung ano ano sa search bar at titignan kung ano lilitaw. o kaya naman, magbabasa ako ng mga random blogs pampalipas oras. wala, nauubusan na ako ng gagawin sa internet. (posible ba yun?) pati nga email inbox ko hindi ko na nabubuksan. siguro marami nanaman laman yun. nakakatamad e.

nakakatamad na mag internet. pero syempre magsusulat pa din ako dito. hindi na nga lang siguro ganun kadalas tulad ng dati. hindi naman siguro aamagin ang mga blog ko no? haha. sige nektayms nalang ulit siguro, pag may matino na akong malalagay dito.


ano ba talaga?

September 15, 2008

malulusaw na utak ko kakaisip.

mauubusan na ako ng dugo kaka nosebleed.

mapapanot na ako kakakamot ng ulo.

malulunod na ako kakainom.

mamamaos na ako kakasigaw.

masisiraan na ata ako ng bait.

taenang yan. parang balik geometry ako. ANGLE…. ANG GULO!

(ano daw?)

wala. sabi ko matulog ka na…


henaku… badtrifff !

August 30, 2008

concert ng eheads mamaya. at syempre nde ako makakapunta, ala pera e. tengenengeneng nga naman yan o.

paano ba magkapera? turuan mo nga ako. bayaran kita ng malaki pag epektib. pag hindi, tae ka.


vroom vroom!

August 20, 2008
ambilis ng takbo ng oras, minsan hindi ko na napapansin. ganun ba ako ka ‘busy’? kung pwede lang e aapakan ko talaga yung preno. mahal pa naman gas ngayon.

-malapit nanaman mag pasko at nyuyir.
pota yan, ambilis. hindi pa nga ako sanay mag sulat ng 2008 e, tapos papalitan nanaman yung taon. at wala ako pera. lagi nalang wala. paano ako magreregalo nyan? (as if naman nagbibigay ka ng regalo no). ah shit. manlilimos nalang ako sa tabi tabi.

-nakaka isang taon na din pala akong nag aaral ulit. huwaw
onga no. 7 years na ako sa kolehiyo!! astig. andami ko din nakilalang mga bagong prends. andami ko din nagawang kalokohan. syet ang sarap talaga mag aral. oo sarcastic yan haha, nde ba halata?

-biro mo yun, si GMA pa din presidente.
haha kala ko mapapatalsik din sya e. parang yun kasi yung uso dba… kamusta naman ang pilipinas? syempre ganun pa din, poor. magbago na nga kayo!

-andami nagbago, pero syempre hindi ko napansin yung iba.
at malamang hindi ko masabi kung ano yung mga hindi ko napansin kasi, hindi ko nga napansin e. pero in peyrness.. andami nga nagbago. e ganun naman talaga dba, the only constant thing is change. naks english, pa cheeseburger ka naman!

haaaay, ang wierdo ko. pinapansin kong ambilis umandar ng oras… pero gusto ko sya i fast forward kasi.. wala lang. gusto ko lang. haha wat?


ohai …

August 10, 2008
antagal na pala nung last post ko dito haha, tae yan.

marami-rami din sana ako gusto isulat nung mga nakaraang araw kaso… nasagasaan ako ng katam haha. pati parang tinatamad ako gumamit ng pc.. wat? bago yun a lol.

—–

may laban kami (go Team Bird!) ng basketbol bukas… ng alas 9 ng umaga. tanginang yan ang aga. BAKET BA LAGI NALANG KAMI NALALGAY SA PERSGEYM?!? bwakanangsyet yung gumawa nung sched, pramis.

—–

dapat natutulog na ako e. dapat. pero baket ako andito at nagsusulat ng kung ano ano?

—–

sige yan na muna. sa susunod nalang siguro ulit pag medyo ginanahan nanaman ako mag computer. sana hindi magtampo mga blogs ko hahaha. kthxbbqmaderpakers! =p


panaginip lang…

July 24, 2008

madalas ako tumakas sa tunay na buhay sa pamamagitan ng pananaginip. doon kasi, pwede ko gawin lahat. walang imposible. sky is the limit. doon, hindi ako olats… minsan lang.

madalas ako managinip. minsan pag gising, pero madalas pag tulog. ewan ko kung bakit. sabi nila e kasi daw lagi ako pagod. ano naman kinalaman nun? siguro marami lang talaga ako iniisip. tulad na lang ngayon, nag iisip ako. mamaya maya mananaginip nanaman ako malamang.

minsan pampa relaks ko din ang pananaginip. yung tipong nasa isang beach ka, tapos ang presko ng hangin. tapos nakahiga ka sa white sand. walang iniisip kundi yung susunod mong kakainin. walang problema. o diba relaksing?

pero yun nga, madalas ako managinip pag ayaw ko mag isip ng mga problema. o pag tinatamad lang talaga ako. o pag talagang… wala lang. hahaha kelangan pa ba ng rason?

sabi ko sa sarili ko, hindi naman masama managinip at mangarap, libre lang naman yan e. hindi ka naman mababaon sa utang pag nasobrahan ka sa pananaginip. pero syempre dapat nasa lugar. panget naman yung nasa trabaho ka at may deadlines tapos natutulog ka lang sa pansitan. hindi uusad ang mundo nyan!

pero sa totoo lang, hindi naman talaga natatakasan ang buhay e. totoo yan kahit ano mangyari. kahit na matulog ka ng buong araw, magigising at magigising ka pa din sa katotohanan. pwera lang kung patay ka na ha. huwag naman sana.

o siya sige, hanggang dito nalang siguro muna. humayo kayo at managinip!


labnat daw.

July 19, 2008

limang araw na ata ako may lagnat. ayaw pa din ako iwan amp. nasasarapan tumambay sa katawan ko e. may kras siguro sa akin tong lagnat na to haha. sabi nga ng pare kong si shoji, kispirin at yakapsul lang katapat neto. wala naman may lakas ng loob na magbigay sa akin haha. pero siguro nga i just need lab. wat?!?

wala nanaman ako magawa. simula na ng midterms ko mamaya pero wala pa ako permit. malamang mag i-ispesyal eksam nalang ako sa lunes. ‘kingina ang hassle. pipila nanaman ako ng dalawang oras para magbayad. haaay.

tatlong beses ako nauntog kahapon. una, sa ilalim ng stairs. masyado kasi ako busy sa text, ayun hindi ko nakita yung dinadaanan ko. pangalawa, sa talyer, nauntog ako dun sa billboard nila or kung ano man tawag dun. gawa pa naman sa bakal yun. buti hindi ako nasugatan. pangatlo, sa jeep naman nung papauwi na ako. ang baba kasi ng bubong taenashit yan. buti sana kung puro bansot yung sumasakay e no?. buti nalang matigas ulo ko.

gusto ko lumabas at maglakwatsa bukas pero wala ako pera.  =(


dafek!

July 16, 2008
dalawanag araw na akong nilalagnat. taena naman kasi yang ulan na yan e, badtrip. (sinisi daw ba). tapos ngayon taena ang aga ko nagising, hindi nanaman ako makatulog ulit. nakaka tatlong baso na ako ng kape pero giniginaw pa din ako. gusto ko nga sana mag mini work out dito sa sala para pagpawisan ako kaso mahihilo lang ako lalo sa gagawin ko hahaha. ah ewan. pakyushit talaga ang pakiramdam pag may sakit. olats. sino may clusivol? enge naman. =p

malapit na pala midterms namin? kahapon ko lang nalaman lol. halatang wala sa sarili e no? adik. nakita ko sched ng exams ko kanina, pero sa sobrang talino ko, hindi ko siya sinulat. ang gleng gleng talaga!. tapos wala pa pala ako permit. watda. magbabayad pa pala ako ng tuition ko. ohshit… mahaba habang pila nanaman ito… (onting tiis nalang pre, aalis ka na din dyan hahahaha). ge, nektayms na ulit kwento, susubukan ko na ulit matulog. switdrims!


gadlayk!

July 14, 2008

labo talaga ng alkohol, manloloko. inaaning ka lang.

parang tao lang. akala mo kaibigan mo pero nilalasing ka lang pala. tignan mo yung nangyari dun kay jay (hindi nya tunay na pangalan), nagpaka senglots siya kasi daw pinagpalit siya ng gelpren nya sa isang hinayupak na barubal na mukhang paa na may athletes foot. amoy paa nga din daw e. ayun, nung nakarami siya ng inom, hindi na nakauwi. nag tawag na lang siya ng uwak(mga limang beses ata) bago tumambling dun sa kama tapos nawalan ng malay. alam mo nangyari? ni reyp siya nung bagong boypren nung ex nya na kainuman pala nya. kinabukasan, hindi na sya makalakad sa sobrang sakit ng pwet nya.

biro mo nga naman yun.