Archive for July, 2008

panaginip lang…

July 24, 2008

madalas ako tumakas sa tunay na buhay sa pamamagitan ng pananaginip. doon kasi, pwede ko gawin lahat. walang imposible. sky is the limit. doon, hindi ako olats… minsan lang.

madalas ako managinip. minsan pag gising, pero madalas pag tulog. ewan ko kung bakit. sabi nila e kasi daw lagi ako pagod. ano naman kinalaman nun? siguro marami lang talaga ako iniisip. tulad na lang ngayon, nag iisip ako. mamaya maya mananaginip nanaman ako malamang.

minsan pampa relaks ko din ang pananaginip. yung tipong nasa isang beach ka, tapos ang presko ng hangin. tapos nakahiga ka sa white sand. walang iniisip kundi yung susunod mong kakainin. walang problema. o diba relaksing?

pero yun nga, madalas ako managinip pag ayaw ko mag isip ng mga problema. o pag tinatamad lang talaga ako. o pag talagang… wala lang. hahaha kelangan pa ba ng rason?

sabi ko sa sarili ko, hindi naman masama managinip at mangarap, libre lang naman yan e. hindi ka naman mababaon sa utang pag nasobrahan ka sa pananaginip. pero syempre dapat nasa lugar. panget naman yung nasa trabaho ka at may deadlines tapos natutulog ka lang sa pansitan. hindi uusad ang mundo nyan!

pero sa totoo lang, hindi naman talaga natatakasan ang buhay e. totoo yan kahit ano mangyari. kahit na matulog ka ng buong araw, magigising at magigising ka pa din sa katotohanan. pwera lang kung patay ka na ha. huwag naman sana.

o siya sige, hanggang dito nalang siguro muna. humayo kayo at managinip!

labnat daw.

July 19, 2008

limang araw na ata ako may lagnat. ayaw pa din ako iwan amp. nasasarapan tumambay sa katawan ko e. may kras siguro sa akin tong lagnat na to haha. sabi nga ng pare kong si shoji, kispirin at yakapsul lang katapat neto. wala naman may lakas ng loob na magbigay sa akin haha. pero siguro nga i just need lab. wat?!?

wala nanaman ako magawa. simula na ng midterms ko mamaya pero wala pa ako permit. malamang mag i-ispesyal eksam nalang ako sa lunes. ‘kingina ang hassle. pipila nanaman ako ng dalawang oras para magbayad. haaay.

tatlong beses ako nauntog kahapon. una, sa ilalim ng stairs. masyado kasi ako busy sa text, ayun hindi ko nakita yung dinadaanan ko. pangalawa, sa talyer, nauntog ako dun sa billboard nila or kung ano man tawag dun. gawa pa naman sa bakal yun. buti hindi ako nasugatan. pangatlo, sa jeep naman nung papauwi na ako. ang baba kasi ng bubong taenashit yan. buti sana kung puro bansot yung sumasakay e no?. buti nalang matigas ulo ko.

gusto ko lumabas at maglakwatsa bukas pero wala ako pera.  =(

dafek!

July 16, 2008
dalawanag araw na akong nilalagnat. taena naman kasi yang ulan na yan e, badtrip. (sinisi daw ba). tapos ngayon taena ang aga ko nagising, hindi nanaman ako makatulog ulit. nakaka tatlong baso na ako ng kape pero giniginaw pa din ako. gusto ko nga sana mag mini work out dito sa sala para pagpawisan ako kaso mahihilo lang ako lalo sa gagawin ko hahaha. ah ewan. pakyushit talaga ang pakiramdam pag may sakit. olats. sino may clusivol? enge naman. =p

malapit na pala midterms namin? kahapon ko lang nalaman lol. halatang wala sa sarili e no? adik. nakita ko sched ng exams ko kanina, pero sa sobrang talino ko, hindi ko siya sinulat. ang gleng gleng talaga!. tapos wala pa pala ako permit. watda. magbabayad pa pala ako ng tuition ko. ohshit… mahaba habang pila nanaman ito… (onting tiis nalang pre, aalis ka na din dyan hahahaha). ge, nektayms na ulit kwento, susubukan ko na ulit matulog. switdrims!

gadlayk!

July 14, 2008

labo talaga ng alkohol, manloloko. inaaning ka lang.

parang tao lang. akala mo kaibigan mo pero nilalasing ka lang pala. tignan mo yung nangyari dun kay jay (hindi nya tunay na pangalan), nagpaka senglots siya kasi daw pinagpalit siya ng gelpren nya sa isang hinayupak na barubal na mukhang paa na may athletes foot. amoy paa nga din daw e. ayun, nung nakarami siya ng inom, hindi na nakauwi. nag tawag na lang siya ng uwak(mga limang beses ata) bago tumambling dun sa kama tapos nawalan ng malay. alam mo nangyari? ni reyp siya nung bagong boypren nung ex nya na kainuman pala nya. kinabukasan, hindi na sya makalakad sa sobrang sakit ng pwet nya.

biro mo nga naman yun.

persblad!

July 10, 2008

unang post ko dito. huwaw.

ang aga ko nagising kanina, mga alas dos ata ng umaga, tapos kahit anong pilit kong matulog, nde ko magawa. kaya ang ginawa ko nalang, nagtimpla ako ng kape at umupo sa harap ng aking computer. saka ko lang napansin, hindi ko na pala nasisilip yung email ko. askjdlkajslkdjalksjda 200+ unread mails, wat? taeng y!m hindi man lang nagsasabi na may ganun kadaming mail na nakatambay dun.

tengenengenengyanoh, kanina pa ako nagpupumilit palitan yung layout netong blog ko dito, ngayon ko lang nalaman na may bayad pala pag gusto mo i customize yung css. E POOR AKO E ANOBEH. pagtyagaan ko nalang tong mga default themes haha. at least customizable yung header.

ayown, yan muna. sige. sa uulitin ulit mga maderpakers!

baket mo ba ako tinitignan?

July 10, 2008

“inaantok na ako pero ayaw ko pa matulog… e sa pakialam mo ba?!?”

*awkward silence*

“sabi ko nga matutulog na lang ako… di ka naman mabiro e.”


ang sarap talaga ng buhay blogger… pag wala ka makausap, magsulat ka nalang. orayt. hindi naman halatang olats dba? hahaha. sige mga maderpakers. sa uulitin.

sanamabitsmaderpaker!

July 6, 2008
ang sakit ng paa ko. taenang paltos yan, ang laki… ga-limang piso amputa. mukha tuloy ako gago maglakad, parang nirarayuma lang. parang ganito kasi maglakad si erpats pag inatake ng rayuma yung isa nyang paa. puta yan. ang hassle mag lakad. pwede ba ako umabsent? lol hahaha. kingina buti sana kung may elevator sa skul. e wala naman. baket ba kasi ako nag basketbol ng naka paa? kinginangsyet yan. mas inintindi ko pa yung tsinelas ko kesa sa sarili kong paa. ayan, ano napala ko? sana bago mag byernes magaling na to. olats amputa.

—–

sabi ko papalitan ko yung layout ko dito sa multiply, kaso tinamad ako haha. nektayms nalang siguro pag wala nanaman magawa. ge tulog na muna, madaling araw na at may pasok pa ako mamaya. kitakits sa susunod =p