labnat daw.

July 19, 2008

limang araw na ata ako may lagnat. ayaw pa din ako iwan amp. nasasarapan tumambay sa katawan ko e. may kras siguro sa akin tong lagnat na to haha. sabi nga ng pare kong si shoji, kispirin at yakapsul lang katapat neto. wala naman may lakas ng loob na magbigay sa akin haha. pero siguro nga i just need lab. wat?!?

wala nanaman ako magawa. simula na ng midterms ko mamaya pero wala pa ako permit. malamang mag i-ispesyal eksam nalang ako sa lunes. ‘kingina ang hassle. pipila nanaman ako ng dalawang oras para magbayad. haaay.

tatlong beses ako nauntog kahapon. una, sa ilalim ng stairs. masyado kasi ako busy sa text, ayun hindi ko nakita yung dinadaanan ko. pangalawa, sa talyer, nauntog ako dun sa billboard nila or kung ano man tawag dun. gawa pa naman sa bakal yun. buti hindi ako nasugatan. pangatlo, sa jeep naman nung papauwi na ako. ang baba kasi ng bubong taenashit yan. buti sana kung puro bansot yung sumasakay e no?. buti nalang matigas ulo ko.

gusto ko lumabas at maglakwatsa bukas pero wala ako pera.  =(

Leave a Reply