madalas ako tumakas sa tunay na buhay sa pamamagitan ng pananaginip. doon kasi, pwede ko gawin lahat. walang imposible. sky is the limit. doon, hindi ako olats… minsan lang.
madalas ako managinip. minsan pag gising, pero madalas pag tulog. ewan ko kung bakit. sabi nila e kasi daw lagi ako pagod. ano naman kinalaman nun? siguro marami lang talaga ako iniisip. tulad na lang ngayon, nag iisip ako. mamaya maya mananaginip nanaman ako malamang.
minsan pampa relaks ko din ang pananaginip. yung tipong nasa isang beach ka, tapos ang presko ng hangin. tapos nakahiga ka sa white sand. walang iniisip kundi yung susunod mong kakainin. walang problema. o diba relaksing?
pero yun nga, madalas ako managinip pag ayaw ko mag isip ng mga problema. o pag tinatamad lang talaga ako. o pag talagang… wala lang. hahaha kelangan pa ba ng rason?
sabi ko sa sarili ko, hindi naman masama managinip at mangarap, libre lang naman yan e. hindi ka naman mababaon sa utang pag nasobrahan ka sa pananaginip. pero syempre dapat nasa lugar. panget naman yung nasa trabaho ka at may deadlines tapos natutulog ka lang sa pansitan. hindi uusad ang mundo nyan!
pero sa totoo lang, hindi naman talaga natatakasan ang buhay e. totoo yan kahit ano mangyari. kahit na matulog ka ng buong araw, magigising at magigising ka pa din sa katotohanan. pwera lang kung patay ka na ha. huwag naman sana.
o siya sige, hanggang dito nalang siguro muna. humayo kayo at managinip!