-malapit nanaman mag pasko at nyuyir.
pota yan, ambilis. hindi pa nga ako sanay mag sulat ng 2008 e, tapos papalitan nanaman yung taon. at wala ako pera. lagi nalang wala. paano ako magreregalo nyan? (as if naman nagbibigay ka ng regalo no). ah shit. manlilimos nalang ako sa tabi tabi.
-nakaka isang taon na din pala akong nag aaral ulit. huwaw
onga no. 7 years na ako sa kolehiyo!! astig. andami ko din nakilalang mga bagong prends. andami ko din nagawang kalokohan. syet ang sarap talaga mag aral. oo sarcastic yan haha, nde ba halata?
-biro mo yun, si GMA pa din presidente.
haha kala ko mapapatalsik din sya e. parang yun kasi yung uso dba… kamusta naman ang pilipinas? syempre ganun pa din, poor. magbago na nga kayo!
-andami nagbago, pero syempre hindi ko napansin yung iba.
at malamang hindi ko masabi kung ano yung mga hindi ko napansin kasi, hindi ko nga napansin e. pero in peyrness.. andami nga nagbago. e ganun naman talaga dba, the only constant thing is change. naks english, pa cheeseburger ka naman!
haaaay, ang wierdo ko. pinapansin kong ambilis umandar ng oras… pero gusto ko sya i fast forward kasi.. wala lang. gusto ko lang. haha wat?
August 26, 2008 at 12:55 pm
hi. hindi ko alam na nasa blogroll mo ako, pero maraming salamat! :D