internet

September 24, 2008

nakakapanibago pero, parang hindi na ako natutuwa mag internet masyado.

ewan ko kung bakit. dati dati e online ako halos 24/7 kahit dial up pa gamit ko. hardcore. ngayon, sa tuwing nasa harap ako ng pc ko, lagi ko tinatanong sarili ko kung ano gagawin ko. dati madalas ako mag online sa y!m kasi madalas ako makipag chat. minsan naman, bubuksan ko google tapos mag t type ng kung ano ano sa search bar at titignan kung ano lilitaw. o kaya naman, magbabasa ako ng mga random blogs pampalipas oras. wala, nauubusan na ako ng gagawin sa internet. (posible ba yun?) pati nga email inbox ko hindi ko na nabubuksan. siguro marami nanaman laman yun. nakakatamad e.

nakakatamad na mag internet. pero syempre magsusulat pa din ako dito. hindi na nga lang siguro ganun kadalas tulad ng dati. hindi naman siguro aamagin ang mga blog ko no? haha. sige nektayms nalang ulit siguro, pag may matino na akong malalagay dito.

Leave a Reply